Home METRO Motoristang pumarada sa gitna ng kalsada ipinatawag ng LTO

Motoristang pumarada sa gitna ng kalsada ipinatawag ng LTO

MANILA, Philippines- Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) nitong Biyernes ang may-ari ng isang motorsiklo dahil sa pagparada nito sa gitna ng isang kalsada sa Antipolo City.

Inihayag ni LTO chief Assistant Secretary Vigor Mendoza ang pagkagulat sa aksyon ng rider after matapos mag-viral sa Facebook ang larawan ng nakaparadang motorsiklo sa gitna ng kalsada.

“Talagang mapapailing ka na lang na may mga motoristang ganito ang asal sa kalsada. Subalit gusto din nating pakinggan ang kanyang panig dahil may karapatan siya for due process,” pahayag ni Mendoza.

Sa show cause order (SCO) na ipinalabas ng LTO, pinapupunta ang may-ari– sinasabing nakatira sa Barangay San Roque sa Antipolo City — sa ahensya sa Lunes.

“You are asked to show cause in writing why you should not be administratively charged for Obstruction of Traffic (Sec. 54 of R.A. No. 4136) in connection with the above incident and why your driver’s license should not be suspended or revoked for being an Improper Person to Operate a Motor Vehicle (Sec. 27 of R.A. No. 4136),” saad sa SCO. RNT/SA