Home HOME BANNER STORY 3 patay kabilang 4-anyos na bata patay sa pamamaril sa Cavite

3 patay kabilang 4-anyos na bata patay sa pamamaril sa Cavite

1
0

MANILA, Philippines – Isang apat na taong gulang na bata at dalawa iba pa ang patay makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sitio Buho, Barangay Daine 1, Indang, Cavite.

Sa report mula sa pulisya, kinilala ang mga biktima na sina alyas na “Franco,” 63; “Juanita,” 62; at isang 4-anyos na bata, na kapwa residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Indang Municipal Police Station (MPS), ganap na alas-10:50 ng gabi nang maganap ang insidente at makarinig ng ilang putok ng baril ang isang residente mula sa tirahan ng mga biktima.

Kaagad namang nakahingi ng tulong ang mga residente sa nasabing barangay na siyang nagreport sa himpilan ng pulisya.

Napag-alaman na dakong alas-12:30 ng madaling-araw ng Agosto 26 ay nakatanggap ng ulat ang Indang MPS kaugnay sa insidente.

Dito na rumesponde ang mga duty patroller at imbestigador sa lugar na siyang nagsagawa ng imbestigasyon.

Natagpuan sa lugar ng insidente ang tatlong biktima na may mga tama ng bala sa loob ng kanilang bahay kubo na matatagpuan sa isang liblib na lugar.

Patuloy pa rin ang pagsusuri sa mga CCTV footage sa kalapit na barangay para sa pagkakakilanlan na responsable sa pamamaril.

Hanggang sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng imbestigayon sa insidente upang mabatid ang motibo sa pagpatay sa mga bitkima upang kaagad na masamapahan ng kaukulang kaso. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here