Home NATIONWIDE 3 Pinoy na nasawi sa Kuwait fire iuuwi ngayong Lunes

3 Pinoy na nasawi sa Kuwait fire iuuwi ngayong Lunes

MANILA, Philippines- Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang mga labi ng tatlong overseas Filipino workers (OFWs) na namatay sa sunog sa Kuwait ngayong Lunes, ayon sa ulat.

Sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration chief Arnel Ignacio na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang repatriation.

Inihayag ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na anim pang OFWs ang ligtas at pauuwiin habang dalawa pa ang nagpapagaling sa ospital.

Samantala, nagbigay naman ng tulong ang Indian government sa mga pamilya ng 45 Indians na nasawi sa sunog.

Namatay ang tatlong OFWs mula sa smoke inhalation. Bahagi sila ng grupo ng OFWs na nagtatrabaho sa isang Kuwaiti construction company.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, short circuit ang itinuturong mitsa ng sunog sa dormitoryo ng mga manggagawa. RNT/SA