Home NATIONWIDE 3 sa 5 major right-of-way issues sa Subway project natugunan na –...

3 sa 5 major right-of-way issues sa Subway project natugunan na – Dizon

MANILA, Philippines – Natugunan na ang tatlo sa limang pangunahing right-of-way para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project na naantala ang pagtatapos nito.

Sa kanyang presentayon sa Economic Journalists Association of teh Philippines Infrastructre Forum sa Makati City, nagpahayag si Transportation Secretary Vivencio ‘Vince’ Dizon ng kumpiyansa na bago bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ay may makikita nang kahit dalawa o tatlong istasyon at trains na tumatakbo.

Sa partikular, nagpahayag si Teves ng kumpiyansa na maging operational ang MMSP sa Valenzuela kunng saan matatagpuan ang depot hanggang Quirino Highway stations at inaasahan na hanggang North Avenue.

Ang pagiging kumpiyansa ng opisyal sa progreso ng ROW acquisition na sinagawa ng ahensya mula nang siya ang pumalit sa pamunuan ng DOTr noong Pebrero.

Sinabi ni Dizon, na kapag naging batas na ang panukala, maaaring ma-access ng gobyerno ang pribadong pag-aari ng lupa sa 18 meters ‘below ground’ para sa subterranean o underground infrastructure projects mula sa kasalukuyang 50 meter. Jocelyn Tabangcura-Domenden