Home NATIONWIDE E-buses magbibigay ng ligtas, komportableng transportasyon sa PWDs – Sec. Gatchalian

E-buses magbibigay ng ligtas, komportableng transportasyon sa PWDs – Sec. Gatchalian

MANILA, Philippines – “It’s a very comfortable means of transportation…safe para sa ating mga persons with disabilities.”

Ito ang binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang inspection at test run ng karagdagang electric buses na binili para sa persons with disabilities sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng departamento.

Sinabi ni Gatchalian na patuloy na naggagalugad ng paraan ang departamento para makalikha ng ‘more safe spaces at opportunities’ para sa persons with disabilities para pigilan ang diskriminasyon at pagbubukod gaya ng ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Ang utos ng ating Pangulo noong nagsimula ako sa DSWD is siguraduhin na yung proteksyon natin sa mga bulnerable [ay] malawak na malawak. Kasama diyan yung paglunsad ng mga safe spaces o safe public transpo para sa ating mga may kapansanan,” ang sinabi ni Gatchalian.

Aniya pa, ang isa sa mga programa na ipinatupad ng departamento ay ang SLP’s Persons with Disabilities – Electric Transportation Service (PWD-ETS) Project na magbibigay ng livelihood grants sa persons with disabilities na pawang mga miyembro ng SLP associations (SLPAs) para bumili ng electric vehicles para sa kanilang napiling transportation enterprise.

Ang bawat SLPA ay binubuo ng 115 miyembro kung saan lahat ay persons with disabilities mula sa 10 local government units (LGUs) sa Metro Manila.

“Ito yung hanap buhay na naisip nila [SLPAs], kung saan bumabyahe yung mga [e-buses] na ito na persons with disability-friendly para masigurado na may shuttle yung mga manggagagawa natin na may kapansanan,” ang paliwanag ni Gatchalian.

“The members of the SLPAs are the ones who manage and operate the service units in coordination with the Global Electric Transport (GET) Philippines Incorporated, the chosen service provider for the e-buses,” ayon sa Kalihim.

Sa kasalukuyan, ang e-buses ay ginagamit bilang shuttle service para sa persons with disabilities na nagta-trabaho sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Para sa planong palawakin ang proyekto, sinabi ni Gatchalian na ang departamento ay nakikipag-ugnayan na sa Department of Transportation (DOTr) para i- mainstream ang e-buses para sa commercial run sa Quezon City.

Ang ceremonial turnover at blessing ng electric vehicles sa persons with disabilities sa SLPAs ay nakatakda sa June 24.

“The SLP is the DSWD’s capability-building program that provides opportunities to access and acquire livelihood assets to the poor, vulnerable, disadvantaged and marginalized sectors to improve their socio-economic conditions,” ayon kay Gatchalian.

Sa mga tagubilin mula kay Secretary Gatchalian, binista ng DSWD Central Office Crisis Intervention Unit (CIU) ang mga biktima at pamilya sa San Jose Del Monte City (SJDM) sa Bulacan noong June 14 para i- assess ang kondisyon ng mga person with disability at ibigay ang kinakilangang interbensyon. Kris Jose