Home NATIONWIDE Pag-amyenda sa umiiral na batas sa right-of-way nakatakdang pirmahan ni PBBM

Pag-amyenda sa umiiral na batas sa right-of-way nakatakdang pirmahan ni PBBM

MANILA, Philippines – Lalagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na nag-aamyenda sa umiiral na right-of-way na inaprubahan ng mga mambabatas bago ipagpaliban ang 19th Congress noong nakaraang linggo, sinabi ng Department of Transportation (DOTr).

Inilarawan ni Transportation Secretary Vince Dizon ang hakbang bilang isang game changer para sa government infrastructure projects, lalo na sa mga isyu sa subterranean right-of-way, na susi sa pagtatapos ng Metro Manila Subway Project (MMSP).

Sinabi ni Dizon na ang subway project ay malamang na tatagal hanggang 2032 upang makumpleto dahil sa mga problema sa pagkuha ng lupa.

Aniya nakakuha na ng go signal ang DOTr na magtayo sa ilalim ng isang eksklusibong subdivision sa Quezon City ngunit sinabi niya na pinaplantsa pa nila ang mga isyu sa right-of-way sa BGC at Metrowalk.

Ang P488-bilyong subway project—ang una sa uri nito sa Pilipinas—ay aabot sa 17 istasyon mula Valenzuela City hanggang Bicutan sa Taguig at magkakaroon ng spur line papunta sa Ninoy Aquino International Airport. Jocelyn Tabangcura-Domenden