Home ENTERTAINMENT 3 seconds na exposure ni Jolina, pinalagan!

3 seconds na exposure ni Jolina, pinalagan!

331
0

Manila, Philippines – Up in arms ngayon ang mga tagahanga ni Jolina Magdangal.

Pinalagan kasi ng mga ito ang umano’y kawalan ng respetong iginawad sa TV host-actress.

Partikular na “nabastusan” ang mga fans sa tatlong segundong exposure ng kanilang idolo sa teaser ng isang serye.

As in talagang bilang na bilang kung gaano ito kaikli na huwag ka lang kumurap ay exit frame na si Jolina.

Tanggap naman daw ng mga fans na ang mga pangunahing bida sa nasabing teleserye ay iba at ang mga junior stars.

Katwiran ng mga fans, sana man lang daw ay ginawang pantay-pantay ang treatment sa mga cast members.

Ito’y in consideration of the fact na ang teleserye ang bale comeback TV vehicle pa ni Jolina after a decade.

Tapos ay three seconds lang ang exposure sa trailer?

As of this writing, wala pang reaksyon si Jolina tungkol dito pero for sure, hindi maliwasang sumama ang loob niya.

Marami naman ang nag-a-assure sa mga fans na baka sa trailer lang maikli ang exposure ng aktres, pero sa kabuuan ng teleserye ay nangangabog ang screen presence niya.

Kaya? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here