Home NATIONWIDE Wala pang pormal na reklamo kaugnay sa viral video ni Zaldy Co...

Wala pang pormal na reklamo kaugnay sa viral video ni Zaldy Co – DOJ

407
0

MANILA, Philippines – Wala pa ring reklamo ang naisasampa sa Department of Justice gamit ang mga video ng pagbubulgar ni dating Ako Bicol Party-list Cong. Zaldy Co na nagsasangkot kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez sa maanomalya umanong insertion sa 2025 budget.

Sa video ng dating mambabatas, tahasang sinabi na nakinabang ang Pangulo at dating Speaker mula sa P100 bilyong insertion sa 2025 national budget.

Sinabi ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez, kung walang pormal na reklamo ay hindi maaaring kumilos o magsagawa ng sariling imbestigasyon ang DOJ taliwas sa Office of the Ombudsman na maaaring magsagawa ng motu propio investigation.

Pero aniya, may kumikilos nang law enforcement agency alinsunod sa kanilang mandato kaugnay ng video o mga ibinunyag ni Zaldy Co.

Ayon sa DOJ, kailangan pormal na ihain para ma-verify at ma-aunthenticate at hindi sapat na basta lamang ipakita ang ebidensya.

Pero iginiit ni Martinez na hindi nito ibig sabihin na hindi kumikilos ang National Bureau of Investigation para imbestigahan ang nasabing video. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here