Home NATIONWIDE Tapsilogan sa Maynila, natusta!

Tapsilogan sa Maynila, natusta!

271
0

MANILA, Philippines – Nagdulot ng matinding trapiko sa kahabaan ng southbound lane ng Taft Avenue dahil sa nagaganap na sunog sa kanto ng General Malvar Street sa Maynila.

Nabarahan na kasi ang kalsada ng mga bumbero na rumesponde sa sunog kaya naman naipit sa trapik ang mga sasakyan na patungong Baclaran.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa unang alarma ang sunog sa isang Tapsilogan.

Maging ang katabing puno ay bahagya ring nadilaan ng apoy kaya naman isinama na ng mga fire volunteers na bombahin ng tubig upang hindi na ito gumapang pa sa mga kable o kawad ng kuryente.

Bago mag-ala una nang unang makitaan ng usok sa nasabing establisyimento ngunit mabilis itong nagliyab at lumaki ang sunog dahil may kalumaan na ito bukod pa sa gawa lamang sa light materials.

Hindi naman nadamay ang katabing salon dahil mayroon itong fire wall.

Nagpapatuloy pa ang BFP sa pag-apula sa sunog kaya wala pang maibigay na karagdagang detalye ang BFP sa sanhi at kabuuang halaga ng natupok. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here