Home NATIONWIDE 3 simbahan itinalaga bilang national shrines

3 simbahan itinalaga bilang national shrines

MANILA, Philippines – Itinalaga ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) ang tatlong simbahan sa Manila, Quezon City at San Mateo, Rizal bilang national shrines.

Sa pahayag nitong Linggo, Enero 26, sinabi ng CBCP na ang mga Obispo noong Sabado ay bumoto na itaas ang mga sumusunod na simbahan bilang national shrines.

Kabilang dito ang Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o Edsa Shrine sa Quezon City (Archdiocese of Manila); ang Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto sa Manila (Archdiocese of Manila) at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu sa San Mateo, Rizal (Diocese of Antipolo).

”A national shrine is a sacred site recognized by the Catholic Church for its historical, spiritual, or cultural significance, often linked to popular devotion, significant religious events, miracles, or apparitions,”sabi ng CBCP.

Itinalaga rin ito upang itaguyod ang pananampalataya sa pamamagitan ng mga huwarang liturhikal na pagdiriwang, pangangalaga sa pastor, at dedikadong ministeryo sa mga mananampalataya, ayon pa sa CBCP. Jocelyn Tabangcura-Domenden