Home NATIONWIDE 3 simbahan sa Rizal idineklarang National Cultural Treasures

3 simbahan sa Rizal idineklarang National Cultural Treasures

MANILA, Philippines – Tatlong simbahan sa probinsya ng Rizal ang idineklara bilang National Cultural Treasures (NCTs) ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Sa hiwalay na socila media posts noong Miyerkules , ang Spanish-era churches — Sta. Ursula Parish sa Binangonan, ang Diocesan Shrine and Parish of San Jose sa Baras, at St. Jerome Parish Church sa Morong — ang pinangalang NCTs.

Ang mga simbahan sa Binangonan at Baras ay nag-anunsyo na dalawang magkahiwalay na kaganapan ang gaganapin sa unang bahagi ng buwang ito upang ipagdiwang ang pagkilala, habang ang simbahan sa Morong ay hindi pa nakaiskedyul ang pagdiriwang nito.

Ang pormal na deklarasyon at paghirang ng parokya ng Sta. Ursula ay nakatakda sa Marso 2.

Ang kaganapan ay ipagdiriwang sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pangungunahan ng Obispo ng Antipolo na si Ruperto Santos.

Ang orihinal na istraktura ng Binangonan Church ay itinayo noong ika-18 siglo, na may mga pagsasaayos na ginawa noong 1853.

Ang Diocesan Shrine at Parish of San Jose ay idedeklara bilang NCT sa Marso 9.

Ang Baras Church ay ang pinakamatandang Josephian parish sa southern Tagalog mainland.

Samantala, ang Morng Church ay itinayo noong 1615, matapos masunog ang unang kahoy na simbahan. Nakatuon kay St. Jerome, natapos ang simbahan noong 1620.

Sa deklarasyon ng mga simbahang ito bilang mga NCT, mayroon na ngayong apat na simbahan ang Diyosesis ng Antipolo na itinalaga bilang pambansang kayamanan ng kultura, kabilang ang San Ildefonso de Toledo Church sa Tanay, na tumanggap ng pagtatalaga noong 2001.

Ang mga NCT ay mga ari-arian na may pambihirang halaga sa kasaysayan, kultura, at sining. Ito ang pinakamataas na pagtatalaga na iginawad sa isang site o istraktura sa bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)