Home METRO Suspek sa pagpatay sa negosyante sa P’que, tukoy na

Suspek sa pagpatay sa negosyante sa P’que, tukoy na

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na natukoy na ang suspek sa pagpatay sa isang 71-anyos na negosyante sa Parañaque City, sa tulong ng isang saksi.

Patuloy naman ang imbestigasyon at manhunt operations.

Pinagbabaril ang biktima habang nagmamaneho ng kanyang SUV noong Martes, dahilan upang bumangga ito sa isang poste.

Ayon sa isang saksi, ang gunman ay backrider sa motorsiklong minamaneho ng isang kasabwat.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang biktima ay nasa negosyo ng pagpapaupa ng bahay, ngunit hindi pa isiniwalat ang motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang follow-up operations. RNT