Home METRO 3 suspek sa sangla-estafa scam timbog sa Muntinlupa

3 suspek sa sangla-estafa scam timbog sa Muntinlupa

MANILA, Philippines – Laglag ang tatlong suspek sa sangla-estafa scam sa ikinasang entrapment operation ng mga awtoridad sa Muntinlupa City.

Ang tatlong suspek ay may kasong estafa na nahuli sa entrapment operation ng Southern Police District-Detective and Special Operations Unit (SPD-DSOU) sa isang restaurant sa lungsod matapos tanggapin ang marked money na P500,000.

Sa ulat, kabilang sa mga nahuli ay isang dating pulis at asawa nitong empleyado naman ng City Hall.

Habang ang pangatlong suspek ay isang public school teacher na ina ng babaeng suspek.

“Ang modus po ng ating suspects ay isasanla po nila ‘yung isang property na kung saan ay nagkaroon po sila ng kontrata o kasulatan. At ito’y isasanla pero wala naman po ‘yung property hanggang bibigyan sila ng interes,” pahayag ni Police Major Maynard Pascual ng SPD-DSOU sa panayam ng ABSCBN News.

Ayon sa mga awtoridad, ilang beses isinangla ng mga suspek ang isang ari-arian sa Sucat, ParaƱaque sa halagang P500,000.

Ang modus ng suspek ay maayos na maghuhulog ng bayad sa mga biktima sa unang buwan kasama ang interes hanggang sa bigla na lamang mawawala ang mga ito.

Aabot na sa P10 milyon ang nakulimbat ng mga suspek mula sa 15 nilang biktima.

Nahaharap sa kasong estafa ang mga suspek. RNT/JGC