Home NATIONWIDE 3 testigo sa De Lima drug case nailipat na sa Sablayan, prosekusyon...

3 testigo sa De Lima drug case nailipat na sa Sablayan, prosekusyon umalma

MANILA, Philippines – Hihilingin ng prosekusyon sa natitirang drug case laban kay dating senador Leila de Lima na maibalik sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa ang tatlong testigo nito na hindi pa naipiprisinta sa Korte ngunit nailipat na sa Sablayan prison sa Occidental Mindoro nitong Sabado.

Ayon kay Caloocan Deputy City Prosecutor Darwin Cañete nakatakdang sanang iharap ang tatlong testigo sa ikatlo at huling illegal drug trading case ni De Lima ngunit nalaman na lamang nila na nailipat na ang mga ito sa detention facility sa Sablayan.

Nais ng prosekusyon na humarap sa pagdinig ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 ang mga testigo sa September 11, 18 at 25.

Kinilala ang tatlong witness na sina Froilan Testrisa, Rodolfo Magleo at Jaime Patcho l. Ang mga ito ay kabilang umano sa 10 testigo na nailipat na sa Sablayan Prison and Penal Farm.

Sinabi naman ni Atty Rolly Francisco Peoro, isa sa lefal counsel ni for De Lima na wala silang nakikitang mali sa paglilipat ng mga PDL. Maging sila aniya ay ngayon lamang nasabihan na nasa Sablayan na ang ilang testigo sa kaso. Teresa Tavares