TUBA, BENGUET — Tatlo ang nasawi at 19 ang sugatan matapos mawalan ng preno ang isang van at bumangga sa kongkretong pader sa Marcos Highway, Tuba, Benguet, noong madaling araw ng Linggo.
Ayon sa pulisya, galing Baguio ang van na may 22 pasahero, karamihan ay magkakaanak, at pauwi na sana sa Pampanga. Dahil sa pababang kurbadang kalsada, nawalan ng kontrol ang sasakyan at naaksidente.
“Nangyari ito sa accident-prone area, may pakurba na pababa, kaya doon bumangga ang van,” pahayag ni Police Captain Francis Pawe ng Tuba Municipal Police Station.
Nakalabas na ng ospital ang 14 na sugatang pasahero, habang nananatiling inoobserbahan ang lima pang biktima. RNT