Home METRO Lalaking naningil ng pusta sa basketbol binayaran ng saksak

Lalaking naningil ng pusta sa basketbol binayaran ng saksak

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN — Nauwi sa trahedya ang pustahan sa larong basketball matapos pagsasaksakin at mapatay ang isang 32-anyos na lalaki sa Barangay Talang, San Carlos City.

Base sa imbestigasyon, naglaro ng basketball ang biktima at ang anak ng suspek kung saan nag-ugat ang komosyon nang hindi magbayad ang anak ng suspek sa kanilang pustahan.

“After ng hindi pagkakasundo, hindi nagbayad ‘yung anak ng suspek, nagkagulo sila at doon na sumingit ‘yung ama ng bata para patayin ‘yung biktima natin,” pahayag ni Police Captain McKinley Mendoza ng San Carlos City Police Station.

Nagtamo ng mga saksak sa tiyan ang biktima at binawian ng buhay sa ospital. Tumakas naman ang suspek at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Hustisya ang sigaw ng mga kaanak ng biktima. RNT