BONTOC, Mountain Province – Patay ang tatlong katao matapos mahulog sa Chico River ang isang Elf truck kasunod ng karambola ng tatlong sasakyan sa Sitio Gawa, Barangay Rocucan, Bontoc, Mountain Province.
Ayon sa Bontoc Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Operations Center, nabangga ng Elf truck ang isang Fiera at isang mini-dump truck habang binabagtas nito ang pakurbadang kalsada sa mabundok na bahagi ng Gawa.







