MANILA, Philippines- Patay ang tatlong indibidwal habang dalawa pa ang sugatan sa pagsisilbi ng arrest warrant na nagresulta sa barilan sa Tagum City, Davao del Norte nitong Biyernes ng gabi.
Sisilbihan sana ng warrant ng mga pulis ang dalawang lalaking akusado ng murder nang magpaputok ng baril ang isa sa mga suspek.
Natamaan naman ang dalawang miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team.
Nagpaputok na rin ng armas ang mga operatiba at napatay ang isang suspek. Patay din ang isang gunman habang napaslang naman ang kasamahan ng suspek na nagtangkang magtago sa damuhan sa hot pursuit operations. RNT/SA