Home METRO DFA-NCR South ops suspendido mula Peb. 3 ‘gang 7

DFA-NCR South ops suspendido mula Peb. 3 ‘gang 7

MANILA, Philippines- Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Department of Foreign Affairs-National Capital Region (DFA-NCR) Consular Office South mula February 3 hanggang 7 upang paghandaan ang relokasyon at inagurasyon nito sa Festival Mall Ayala, Alabang, Muntinlupa sa February 10.

Ayon sa ulat, ang mga nangangailangan ng consular services sa gitna ng suspensyon ay maaating kontakin ang opisina sa sa [email protected], [email protected], o [email protected].

Balik-operasyon naman ang opisina sa  February 11 sa bagong lokasyon. RNT/SA