Home NATIONWIDE 3 tiklo sa P1M illegal fishing equipment

3 tiklo sa P1M illegal fishing equipment

MANILA, Philippines – Mahigit P1 milyong halaga ng illegal fishing equipment ang kinumpiska sa tatlong indibidwal sa joint maritime operation sa Gasan, Marinduque nitong Biyernes, Enero 24.

Sa pahayag na inilabas ng Philippine Coast Guard (PCG), isinagawa ang operasyon upang mabantayan ang illegal fishing activities sa Gasan.

Nasabat ang isang fishing banca na Princess Aquarius na ginagamit ng mga suspek sa kanilang illegal na mangingisda.

Tatlong suspek naman ang inaresto ng awtoridad at kinumpiska ang kanilang fishing banca na halagang P500,000.

Kinumpiska rin ang diesel engine na halagang P200,000, fishing nets na halagang P300,000 at mahigit 10 kilo ng isda na halagang P1,000.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa republic Act No. 10654 o ang “Act to Prevent, Deter, and Eliminate Illegal, Unreported, and Unregulated Fishing.” Jocelyn Tabangcura-Domenden