MANILA, Philippines- Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) ang tatlong drug suspects sa sting operation sa Las Piñas City nitong Sabado, habang nakumpiska ang mahigit P3 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Sinabi ni PDEG chief Brig. Gen. Eleazar Matta na nadakip ang mga suspek na edad 58, 48 at 47 sa buy-bust sa Barangay Pulang Lupa 1.
Nasabat mula sa mga suspek ang 450 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard value na P3,060,000.
Ani Mata, dinala ang mga suspek sa Special Operations Unit-National Capital Region office ng PDEG habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa kanila.
Itinurn-over naman lahat ng ebidensya sa Forensic Group sa Camp Crame sa Quezon City. RNT/SA