Home METRO 3 timbog sa bentahan ng pekeng PNP documents sa Recto

3 timbog sa bentahan ng pekeng PNP documents sa Recto

1
0

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa umano’y pagbebenta ng pekeng Philippine National Police (PNP) documents sa Recto, Manila.

Ayon kay CIDG-NCR chief Police Colonel John Guiagui, naaresto ang mga suspek sa buy-bust operation matapos silang bayaran ng mga operatiba upang gumawa umano ng counterfeit documents.

Kabilang sa mga pinepeke umano ang permit to carry firearms, police clearances at identification cards, kabilang ang ginagamit ng mga security guard.

Mahigit P2,000 umano ang sinisingil ng mga suspek sa bawat ID o dokumento.

Sinampahan na sila ng kasong falsification of public documents, ayon sa CIDG.

Sinabi ni Guiagui na partikular na ikinababahala ng pulisya ang pekeng permit to carry dahil maaaring makakuha nito ang isang tao nang hindi dumaraan sa kinakailangang screening at qualification process.

Patuloy namang tinutukoy ng mga imbestigador ang mga posibleng kliyente ng grupo. Maaari umanong ipatawag ang mga ito upang isumite ang mga pekeng dokumentong kanilang nakuha.

Sinusuri rin ng CIDG ang external drive at computer hard drive na nasamsam sa operasyon para sa karagdagang ebidensiya at posibleng pangalan ng iba pang kliyente. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here