Home METRO 3 timbog sa pot session

3 timbog sa pot session

PANGASINAN- Swak sa kulungan ang tatlong lalaki matapos maaresto habang nagsasagawa ng illegal drug activities (pot session) sa Brgy. Poblacion, Manaoag, Pangasinan kaninang ala-1:20 ng madaling-araw, Oktubre 14.

Ayon sa Manaoag Municipal Police Station, ang mga suspek ay 31-anyos na construction worker na residente ng Guimba, Nueva Ecija; 21-anyos na construction worker na residente ng Nueva Ecija; at 32-anyos na construction worker na residente ng Baler, Aurora.

Nabatid na ang mga personnel ng Manaoag MPS ay agad na rumesponde matapos na makatanggap ng impormasyon na may nangyayaring illegal drug activities (pot session) sa basement ng isang ongoing construction na building sa naturang lugar na nagresulta sa pagkaaresto ng tatlong suspek.

Sa naturang operation ay nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawangh heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tinatayang tumitimbang ng 6 gramo at nagkakahalaga ng P4,080 ang mga nakumpiskang hinihinalang shabu mula sa mga suspek.

Bukod sa hinihinalang shabu, may mga nakumpiska rin ang mga awtoridad na non-drug evidence.

Kabilang dito ang isang glass tube, dalawang lighter, aluminum foil, tooter wrapped with aluminum foil, at isang kutsilyo. Rolando S. Gamoso