Home METRO 3 trabahador dedo sa stockroom sa Leyte; usok ng generator sinisilip

3 trabahador dedo sa stockroom sa Leyte; usok ng generator sinisilip

1
0

LEYTE — Tatlong trabahador ang natagpuang patay sa loob ng stockroom ng isang tactical supply shop sa Barangay Campetic, Palo, Leyte nitong Miyerkules, Setyembre 16.

Kinilala lamang sa alyas na “Mae,” 23; “Nolly,” 28; at “Jan,” 26 ang mga biktima.

Batay sa paunang imbestigasyon, nawalan ng kuryente bago ang insidente kaya gumamit ng generator na inilagay umano sa loob ng stockroom.

Ayon sa Palo Municipal Police Station, isa sa mga tinitingnang posibilidad ang pagkalanghap ng carbon monoxide mula sa generator, lalo’t kulang umano sa bentilasyon ang lugar. Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng kanilang pagkamatay.

Natagpuan ang tatlo matapos silang puntahan ng kanilang mga employer nang hindi na sila sumasagot. Wala ring nakitang senyales ng sapilitang pagpasok sa lugar, ayon sa paunang pagsisiyasat. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here