Home METRO 3 utas sa suwagan ng 2 motor

3 utas sa suwagan ng 2 motor

SORSOGON – Patay ang tatlong indibidwal sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Barangay San Pedro sa bayan ng Irosin.

Napag-alaman sa imbestigasyon na kabilang sa nasawi ang dalawang babae.

Ayon pa sa pulisya na babae ang rider ng isang motorsiklo, na may angkas din na dalawa pang babae na pawang nakainom umano at papauwi na sana nang makasalpukan nila ang motorsiklo na minamaneho ng 21-anyos na lalaking rider.

Nasawi sa banggaan ang dalawang rider, at ang isang babaeng angkas. RNT

Previous articleP500K alok sa tipster sa tserman killer sa Leyte
Next articleConvenience store cashier huli sa P2.7M droga