Home METRO Convenience store cashier huli sa P2.7M droga

Convenience store cashier huli sa P2.7M droga

MANILA, Philippines – Naaresto nitong Lunes, Marso 4 ang isang 30-anyos na convenience store cashier matapos makuhanan ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P2.7 milyon.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jemark Paragile (alyas “Jim-Jim”), na swak din sa regional drug watchlist, na naaresto sa isang sting operation sa Nivel Hills, Barangay Busay dito.

Kinulong ng mga ahente ng intelligence unit ng Cebu City police ang suspek matapos itong makipagtransaksyon sa isang poseur buyer, na nakuha mula sa kanya ang tinatayang 400 gramo ng hinihinalang shabu.

Si Paragile, residente ng Barangay Bacayan, ay nakakulong sa Cebu City police holding facility habang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT