MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan sa ilang lugar sa bansa ang tatlong weather system.
Ayon sa PAGASA, asahan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at Aurora dahil sa Northeast Monsoon o Amihan.
Magdadala rin ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains ang Amihan sa Ilocos Region at Batanes.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms ang iiral sa Bicol Region, Rizal, Laguna, Quezon, Marinduque, Northern Samar, Eastern Samar, at Samar dahil naman sa shear line.
Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC