Home NATIONWIDE 3 weather systems magpapaulan sa bansa

3 weather systems magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang trough ng Low Pressure Area (LPA) sa Caraga at Davao region, Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman sa Palawan at Mindanao, at easterlies naman sa nalalabing bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, iniulat nito na ang LPA ay hulig namataan sa layong 695 kilometro silangan ng Davao City at nakapaloob sa ITCZ.

Ang trough ng LPA ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Caraga at Davao Region.

Magkakaroon din ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang nalalabing bahagi ng Mindanao at Palawan dahil sa ITCZ.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa easterlies. RNT/JGC