MANILA, Philippines – SINABIHAN ni Vice President Sara Duterte ang mga bagong police officers na panindigan ang integridad sa pamamagitan nang huwag pahintulutan na madungisan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga maling gawain gaya ng “pagtataksil” at “pagsuko” ng isang filipino sa mga dayuhan.
Inihayag ito ni VP Sara matapos na batiin ang Philippine National Police Academy Sinaglawin Class of 2025 at pasalamatan ang mga ito sa pagpili ng landas na “rough, demanding, and may even be extremely perilous.”
“Sa inyong kagitingan at kahandaan na tunay na magsilbi, sana ay lagi ninyong piliin ang tama. Huwag sana ninyong hayaan na mabahiran ang inyong propesyon ng mali katulad ng pagkakanulo sa isang Pilipino ng kanyang kapwa Pilipino,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang congratulatory statement.
“Walang kapatawaran ang pagsuko at pagpapakulong sa mga dayuhan ng isang Pilipinong naglingkod ng tapat sa ating bayan,” ang winika pa rin ni VP Sara.
Sa kabilang dako, hinikayat naman niya ang mga bagong pulis na protektahan ang bansa mula sa korapsyon at mula sa mga taong sumira sa paniniwala at kaugalian ng mga filipino at “principle and integrity.”
“Just like those who completed this course before you, you are presented with the choice to become citizens who will uphold the interest of the Filipinos above all else,” ang sinabi pa rin ni VP Sara. Kris Jose