DINAPIGUE, Isabela – Posibleng madagdagan pa ang bilang ng pamilya na na-isolate dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na dulot ng pananalasa ng bagyong Aghon sa Barangay Dimalwade, Dinapigue, Isabela.
Ayon kay Mayor Vicente Mendoza ng Dinapigue, Isabela, nasa humigit kumulang tatlumpong pamilya na naisolate dahil sa pag-apaw ng ilog sa pananalasa ng bagyong Aghon.
Hindi makaalis ang mga residente sa lugar upang bumili ng kanilang mga pangangailangan sa bayan sapagkat mataas parin ang lebel ng tubig matapos ang ilang araw na mga pag-ulan bago ang pananalasa ng nasabing bagyo.
Bago pa man ang pananalasa ng bagyong Aghon ay nakapagsagawa na ang Municipal Disaster Risk Reduction Management ng emergency meeting upang mapagplanuhan ang mga hakbang na isasagawa ng lokal na pamahalaan sa posibleng epekto ng bagyo.
Nagbaba na rin ng kautusan ang lokal na pamahalaan sa mga barangay lalo na sa malapit sa ilog na maging alerto sa posibilidad ng pagbaha at magsagawa ng preemptive evacuation kung kinakailangan.
Bukod sa Barangay Dimalwade ay mayroon din umanong mga barangay na hindi pa maabot ngayon ng mga sasakyan dahil sa ilang mga naitalang landslide.
Ngayong araw, muli umanong nag-abiso ang LGU-Dinapigue sa mga mangingisda na iangat ang kanilang mga bangka dahil sa bahagyang paglaki ng mga alon sa dagat.
Paalala naman ni Mayor Mendoza sa mga residente na iwasan na magpumilit na tumawid sa mga umapaw na ilog dahil lubha pa itong mapanganib.
Nagsagawa naman ng prepositioning ng mga food and non-food items ang pamahalaang panlalawigan para sa mga apekdatong mga residente sa Isabela dahil sa Bagyong Aghon.
Samantala, Mahigpit na ipinatutupad ng pulisya ang Liquor ban sa mga bayan ng ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ด๐๐ฒ, ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐๐ถ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐๐ถ๐น๐น๐ฒ๐ฟ๐บ๐ผ, ๐๐ผ๐ป๐ฒ๐, ๐๐ฐ๐ต๐ฎ๐ด๐๐ฒ, ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐๐ด๐๐๐๐ถ๐ป, ๐๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐๐ถ๐๐, ๐๐ฒ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฆ๐ผ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ป, ๐๐ถ๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ ๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฎ๐ฐ๐ผ๐ป, ๐๐ป๐ด๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป, ๐ก๐ฎ๐ด๐๐ถ๐น๐ถ๐ฎ๐ป alinsunod sa Ordinance No. 2020-13-1 ng Sangguniang Panlalawigan. Ipinagbabawal ang pagbebenta, pagbili at pag-inom ng mga nakalalasing na inumin sa lahat ng mga tindahan. Rey Velasco