Home METRO 308 wanted persons, naaresto sa Ilocos Region nitong Hulyo

308 wanted persons, naaresto sa Ilocos Region nitong Hulyo

1
0

LA UNION — Umabot sa 308 wanted persons ang naaresto ng Police Regional Office 1 (PRO1) sa mga isinagawang manhunt operation sa buong Ilocos Region nitong Hulyo 2026 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest.

Ayon sa PRO1, kabilang sa mga naaresto ang pitong Regional Level Wanted Persons, siyam na Provincial Level, apat na City Level, 23 Municipal Level, at 265 iba pang wanted persons na nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal.

Sinabi ni PRO1 Regional Director PBGEN Jovencio S. Badua Jr. na ang tuloy-tuloy na tagumpay ng kanilang manhunt operations ay bunga ng pagpapatupad ng Enhanced A.L.E.R.T.O. Framework, na nakatuon sa intelligence-driven operations upang mas mabilis na matunton at maaresto ang mga wanted na indibidwal.

Dagdag pa ng opisyal, ang nasabing operasyon ay umaayon din sa direktiba ni PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at tiyakin ang epektibong pagpapatupad ng batas sa buong bansa.

Pinuri rin ni PBGEN Badua ang mga operating unit ng PRO1 dahil sa kanilang dedikasyon sa pagsasagawa ng mga operasyon.

Aniya, magpapatuloy ang kanilang kampanya upang matiyak na ang mga taong may kinahaharap na kaso ay maihaharap sa hustisya at mapananagot sa ilalim ng batas. (Rolando S. Gamoso)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here