MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos maibulsa ang 2026 Mubadala DC Open crown nitong Martes, Philippine time, dahilan upang tawagin ang kanyang pagkapanalo na isang “historic achievement.”
“This Philippines now has it first WTA 500 champion,” sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook post.
“Congratulations on yet another historic achievement. You continue to redefine what is possible for Philippine tennis and inspire countless young Filipinos to dream without limits,” ayon sa Pangulo.
Sa ulat, nakabawi sa pagkatalo noong nakaraang taon si Alex Eala at nakuha ang kanyang kauna-unahang WTA 500 title matapos niyang talunin si Jessica Pegula sa kanilang laban nitong Martes ng madaling araw para sa 2026 Mubadala DC Open finals sa Washington, USA.
Halos isang araw na nasuspinde ang laban ng dalawa dahil sa pag-ulan. Nang ituloy ang laban, namayani si Eala sa iskor na 4-6, 6-4, 6-0.
Bago natigil ang laban nitong Linggo sa second set, lamang ang 32-anyos na si Pegula, 2-1, at nakuha rin niya ang first set, 6-4.
Ang panalo ng 21-anyos na si Eala ang nagbigay sa kanya ng pinakamalaking tagumpay sa kanyang career at ng kauna-unahan niyang WTA 500 title.
Bukod sa kanyang pagiging kampeon sa DC Open, nakabawi rin si Eala kay Pegula, na tumalo sa kanya sa 2025 Miami Open semifinals sa iskor na 7-6(3), 5-7, 6-3. (KRIS JOSE)