MANILA, Philippines – Naaresto ang 31 indibidwal sa paglabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Iniulat ng PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo sa press briefing na kabilang sa mga naaresto ay ang empleyado ng
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ministry, isang serviceman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), tatlong security guards, at 26 sibilyan.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 80 armas, kabilang ang 60 maliliit na armas, dalawang
Class A light weapons, isang Class B light weapon, 17 replicas, at explosives.
Dagdag pa ay may 539 rounds ng ammunition ang nasamsam.
Naitala sa Central Luzon ang may pinakamaraming nakumpiskang armas sa 19, sinundan ng Ilocos Region sa 14, at Western Visayas sa siyam.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11067, ang gun ban ay iiral mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, na layong bawasan ang election-related violence. RNT/JGC