Home NATIONWIDE 31 sugatan sa lindol sa Southern Leyte – NDRRMC

31 sugatan sa lindol sa Southern Leyte – NDRRMC

MANILA, Philippines – MAY KABUUANG 31 katao ang naiulat na nasugatan habang mahigit sa 300 bahay ang napinsala dahil sa magnitude 5.8 earthquake na yumanig sa San Francisco, Southern Leyte nito lamang Enero 23, 2025.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa pinakabagong bulletin na ipinalabas, isang araw matapos ang paglindol, sinabi ng NDRRMC na nakatanggap ito ng report na 31 ang nasugatang tao at magsasagawa na ito ng balidasyon sa impormasyon.

Wala namang naiulat na nasawi o nawawala nang mangyari ang insidente, nangyari ng alas-7:39, umaga ng Huwebes.

Sinabi ng NDRRMC na may anim na bahay ang totally damaged at 342 na bahay naman ang partially damaged sa Southern Leyte.

Nadadaanan na ngayon ang dalawang lansangan at Isang tulay sa lalawigan na naapektuhan ng lindol

Ang mga nasirang imprastraktura ay umabot sa 49, lahat sa Southern Leyte.

Hindi pa naiulat ng NDRRMC ang halaga ng pinsala sa anumang apektadong bahay at istraktura.

Sa bayan ng Liloan, nagbagsakan ang mga bato sa sa mga bahagi ng isang kalsada sa Barangay Tubugon dahil sa epekto ng lindol.

Samantala, sinabi ng state volcanologists na naiulat ang Intensity VI sa bayan ng San Francisco at naiulat naman ang ‘intensity levels’ sa Surigao City at Cagayan de Oro City. Kris Jose