Home LIFESTYLE HEALTH 32 kaso ng leptospirosis naitala sa Ilocos Norte

32 kaso ng leptospirosis naitala sa Ilocos Norte

1
0

ILOCOS NORTE, Philippines – Umabot sa 32 ang naitalang kaso ng leptospirosis sa Ilocos Norte ngayong taon, kabilang ang isang nasawi, ayon sa Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Sa mga kaso, 26 ang suspect, tatlo ang probable, at tatlo ang confirmed. Saklaw ng datos ang morbidity weeks 1 hanggang 35 ng taon.

Hinimok ng Provincial Health Office ang mga residente na mag-ingat, lalo na sa paglusong o paglalakad sa baha at basang lugar na maaaring kontaminado ng bacteria.

Pinayuhan ang publiko na iwasang lumusong sa baha kung maaari. Kung hindi maiiwasan, gumamit ng de-kalidad na rubber boots at iba pang protective gear.

Dapat ding linisin at takpan ng waterproof bandage ang anumang sugat o hiwa sa balat bago lumabas upang maiwasang makapasok ang bacteria.

Pag-uwi, agad na maligo at maghugas gamit ang sabon at malinis na tubig.

Maaaring lumitaw ang sintomas ng leptospirosis dalawa hanggang 30 araw matapos ma-expose. Kabilang dito ang mataas na lagnat, matinding sakit ng ulo, pamumula ng mata, pagsusuka, pananakit ng tiyan at paninilaw ng balat at mata.

Pinayuhan ang mga makararanas ng ganitong sintomas, lalo na matapos ma-expose sa baha o kontaminadong tubig, na agad magpatingin sa doktor. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here