Home HOME BANNER STORY Pagpapaliban sa planong taas-presyo ng PH Passport, hiniling ng DFA

Pagpapaliban sa planong taas-presyo ng PH Passport, hiniling ng DFA

1
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa APO Production Unit, Inc. na ipagpaliban hanggang 2028 ang planong pagtataas ng presyo ng Philippine passport.

Ayon kay Senate finance committee chairperson JV Ejercito, nais ng APO na itaas ang passport fee mula P950 sa P1,500. May diskwentong P1,200 naman para sa senior citizens at overseas Filipino workers.

Sinabi ni DFA Secretary Theresa Lazaro na makatwiran ang hiling ng APO dahil mahigit 10 taon nang hindi nadagdagan ang presyo ng passport. Gayunman, hiniling nilang ipagpaliban muna ang taas-presyo dahil nakatakdang ilunsad ang next-generation passport sa kalagitnaan ng 2028.

“You cannot increase the price of a passport within three years,” ani Lazaro, na binanggit ang Philippine Passport Act.

Ayon kay Lazaro, maaaring makaapekto sa planong bagong passport ang agarang pagtataas ng presyo sa Enero. Kailangan din aniyang maghanda ang DFA ng communication plan para sa pagbabago ng passport fee.

Samantala, sinabi ni Ejercito na ipaalam ng DFA sa Senado kung kinakailangan ng subsidy para sa passport. Gayunman, aminado siyang limitado ang fiscal space ng gobyerno. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here