Home NATIONWIDE 32 patay sa Ukraine sa ballistic missile strike ng Russia

32 patay sa Ukraine sa ballistic missile strike ng Russia

UKRAINE – Patay ang 32 katao at mahigit 80 ang sugatan sa paglulunsad ng Russia ng dalawang ballistic missile sa northern Ukrainian city ng Sumy nitong Linggo, Abril 13.

Kinondena ni President Volodymyr Zelenskiy ang pag-atake na isa sa maituturing na ‘deadliest strike’ sa Ukraine ngayong taon.

“Only scoundrels can act like this. Taking the lives of ordinary people,” pahayag ni Zelenskiy.

“And this is on a day when people go to church: Palm Sunday, the feast of the Lord’s Entry into Jerusalem,” dagdag pa niya.

Ayon kay Interior minister Klymenko, ang mga biktima ay nasa kalsada, nasa loob ng kanilang sasakyan at public transport, maging sa mga gusali na tinamaan ng missile.

“Deliberate destruction of civilians on an important church feast day,” aniya.

Sinabi naman ni Andriy Yermak, chief of staff ni Zelenskiy, na ang mga missile ay naglalaman ng cluster munitions.

“The Russians are doing this to kill as many civilians as possible.”

Wala pang komento ang mga awtoridad sa Russian kaugnay nito. RNT/JGC