SUBIC, Zambales – Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ZambalesPolice Station at Naval Intelligence Security Group-Northern Luzon (AFP) sa isinagawang drug buy bust operation ang limang katao, sa isang drug den sa Brgy, Calapacuan, Subic, Zambales.
Sa ipinarating na ulat kay PRO3 Regional Director BGen. Jean S. Fajardo, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Drey 34, alyas Ar-Ar 43,alyas Ney 35, alyas Tonio 25 at alyas Kel 29 anyos kapwa residente sa nabangit na lugar.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng nga awtoridad ganap na alas-3:34 ng madaling araw ng masukol ang mga suspek sa nabangit na drug den.
Nakumpiska mula sa Drug den ang 6 na plastic sachets na naglalaman ng 10 gramo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng Php 68,000.00, assorted drug paraphernalias at buy-bust money.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang limang suspek. REY VELASCO