Home HOME BANNER STORY 34 PUV operators na ‘di bumyahe sa ruta pero nakita sa INC...

34 PUV operators na ‘di bumyahe sa ruta pero nakita sa INC rally, pinatawag ng LTFRB

3
0

MANILA, Philippines – Naglabas ng show cause order (SCO) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng Department of Transportation, laban sa 34 na operator ng public utility vehicles (PUVs) matapos umanong hindi bumiyahe sa kanilang mga itinakdang ruta at sa halip ay namataan ang kanilang mga unit sa mga rally site sa Quezon City.

Kabilang sa mga operator na pinadalhan ng SCO ang mga may hawak ng bus at UV Express units.

Bagama’t iginagalang ng LTFRB ang karapatan ng bawat isa na makiisa sa mapayapang kilos-protesta, sinabi ng ahensya na may pananagutan pa rin ang mga operator na magbigay ng serbisyo sa mga commuter.

Ayon sa LTFRB, nakaapekto sa mga pasahero ang naging desisyon ng mga operator na hindi mag-operate noong Martes, dahilan upang mabawasan ang serbisyo ng pampublikong transportasyon.

Sinabi rin ng ahensya na maaaring lumabag ang mga operator sa Paragraph 3 ng Memorandum Circular No. 2011-004.

Inatasan ang 34 na operator na magsumite ng notarized written explanation kung bakit hindi dapat suspindihin o kanselahin ang kanilang permits to operate.

Itinakda ng LTFRB ang pagdinig sa kaso sa Hulyo 9. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here