Home NATIONWIDE 343 OFWs na inilikas mula MidEast, sinalubong ni PBBM

343 OFWs na inilikas mula MidEast, sinalubong ni PBBM

187
0

MANILA, Philippines – Personal na sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 343 overseas Filipino workers (OFWs) na inilikas mula sa Gitnang Silangan noong Lunes, habang pinaigting ng pamahalaan ang repatriation efforts dahil sa patuloy na tensyon sa rehiyon.

Dumating ang mga OFW sa Villamor Air Base sakay ng ikaapat na chartered flight mula Saudi Arabia. Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kabilang sa mga ito ang mga Pilipinong manggagawa mula Qatar, Kuwait, Bahrain, at Saudi Arabia.

“Mayroon po tayong 343 sa ikaapat na charter flight mula Saudi Arabia… 234 po ay mula Qatar, Kuwait at Bahrain (We have 343 on the fourth charter flight from Saudi Arabia… 234 came from Qatar, Kuwait and Bahrain),” ani Cacdac.

Aniya, karamihan sa mga repatriate ay dumaan sa land travel na umaabot ng pito hanggang walong oras upang makarating sa Riyadh dahil sa mga limitasyon sa airspace.

“Hindi po sila makakarating sa Saudi Arabia kundi dahil sa land crossing efforts,” dagdag niya.

May kasama ring 10 hanggang 15 dependents, kabilang ang mga bata, sa naturang flight.

Inihayag din ng DMW na may nakahandang mga susunod pang flight mula United Arab Emirates, at tiniyak na sapat ang pondo para sa repatriation at reintegration programs.

“Sa ngayon… kakayanin naman,” aniya.

Makakatanggap ang mga umuwing OFW ng tulong mula sa pamahalaan tulad ng pansamantalang tirahan, transportasyon, at pinansyal na ayuda, kabilang ang pag-aayos ng kanilang pag-uwi sa kani-kanilang probinsya. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here