Home HOME BANNER STORY Walang krisis sa langis sa Pinas, ‘price disruption’ lang – Malakanyang

Walang krisis sa langis sa Pinas, ‘price disruption’ lang – Malakanyang

238
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Malacañang na walang oil crisis sa Pilipinas sa kabila ng pagtaas ng presyo ng petrolyo, at nilinaw na ito ay “price disruption” lamang na dulot ng sitwasyon sa Middle East.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sapat ang suplay ng langis sa bansa at hindi ito maituturing na krisis.

“Ang sabi po kasi ni Secretary Sharon may dalawang klase po ng krisis—sa suplay at sa presyo. So ngayon po, kung pag-uusapan natin ang suplay, wala po tayong masasabing krisis pagdating sa suplay. Maybe mayroon pong price disruption dahil sa nangyayaring oil crisis sa Middle East,” ani Castro.

Gayunman, ramdam na ng mga motorista ang epekto ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis mula pa noong ikalawang linggo ng Marso, at may ilang retailer ang nag-ulat ng limitadong suplay ng diesel.

Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na imbentaryo ang bansa na maaaring tumagal ng hanggang 50 araw, kabilang ang mga inaasahang darating na suplay.

Samantala, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang panukalang magbibigay sa kanya ng emergency powers upang mabawasan o masuspinde ang excise tax sa langis.

Dagdag pa niya, naghahanap ang pamahalaan ng alternatibong mapagkukunan ng petrolyo upang mabawasan ang epekto ng krisis sa Middle East. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here