Home METRO 35 flood control projects sa QC, nawawala – Belmonte

35 flood control projects sa QC, nawawala – Belmonte

319
0

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte nitong Lunes, Setyembre 15, na nawawala ang 35 flood control projects sa lungsod na tinawag niyang “ghost projects.”

Ayon sa lokal na pamahalaan, may kabuuang 331 proyekto sa QC na nagkakahalaga ng ₱17 bilyon, kabilang ang ₱7.7 bilyon na umano’y insertions na wala sa 2024 at 2025 national budget.

Marami rito ang walang detalyadong program of work at sa inspeksyon ay lumitaw ang mga iregularidad tulad ng proyektong idineklarang “completed” pero halatang hindi pa tapos, magkatulad na budget sa magkaibang site, at flood control projects na inilagay pa sa hindi binabahang lugar.

Kabilang sa mga halimbawa ang ₱70-milyong drainage rehab sa South Triangle na pinturang bangketa lang ang nakita, at ang ₱48-milyong proyekto sa Tatalon na nagresulta lang sa bagong manhole.

Giit ni Belmonte, kung nagamit nang tama ang ₱17 bilyon, halos natapos na sana ang ₱24-bilyong drainage masterplan ng QC o nakapagtayo ng libo-libong silid-aralan, health centers, at pabahay.

Ipapasa ng QC government ang resulta ng inspeksyon sa Independent Commission on Infrastructure at tinanggap ang direktiba ni Pangulong Marcos na bigyan ng LGUs ng kapangyarihang mag-apruba ng mga tapos na proyekto.

Gumagawa rin ng ordinansa ang QC upang hikayatin ang mga residente na i-report ang mga kahina-hinalang proyekto sa kanilang komunidad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here