Home NATIONWIDE 3,685 aftershocks naramdaman sa Cebu

3,685 aftershocks naramdaman sa Cebu

301
0

CEBU – UMABOT na sa 3,685 ang aftershocks ng magnitude 6.9 na lindol sa Bogo City, Cebu hanggang Biyernes, Oktubre 3, ayon sa Phivolcs.

Labing-walo rito ang naramdaman, na may lakas mula magnitude 1.0 hanggang 5.1.

Umakyat na rin sa 73 ang bilang ng mga nasawi, ayon sa Office of Civil Defense. Maraming nakaligtas ang nananatili sa kalsada at natutulog na nakabalot sa plastik dahil sa takot sa aftershocks at pinsala sa mga gusali.

Sinabi ni PHIVOLCS director Dr. Teresito Bacolcol na maaaring tumagal pa ng ilang linggo ang aftershocks ngunit hihina kalaunan.

Binalaan niya ang mga residente na huwag munang pumasok sa mga tirahang may nakikitang sira at kumonsulta muna sa mga inhinyero ng lungsod o munisipyo para sa kaligtasan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here