Home METRO 37 Chinese timbog sa illegal retail

37 Chinese timbog sa illegal retail

MANILA,Philippines- Nasa 37 Chinese national ang inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na umano’y sangkot sa illegal retail sa lungsod ng Parañaque.

Sa report kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ni intelligence division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang 37 Chinese national ay naaresto sa loob ng Multinational Village sa Parañaque.

“We received credible information about foreign nationals engaging in illegal retail activities, and our team acted swiftly to address these violations,” ani Tansingco. 

“This operation is part of our ongoing efforts to uphold the integrity of our immigration laws and protect local businesses from unfair competition,” dagdag pa ng opisyal.

Kabilang sa mga naaresto ang pitong babae at 30 lalaki na napag-alamang sangkot sa ilegal na pagtitinda ng pagkain at groceries, at pangangasiwa ng restaurant sa lugar.

Sinabi ni Tansingco na nag-ugat ang pag-aresto sa natatanggap na report kaugnay sa mga dayuhang ilegal na nagtatrabaho sa loob ng subdivision.

Nabatid na lahat ng 37 dayuhan ay ikukulong sa pasilidad ng BI sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang nakabinbin ang pagresolba sa mga kasong deportasyon na isasampa laban sa mga dayuhan. JAY Reyes