Home METRO Pagbibigay ng ‘expired’ na pagkain sa mga mangingisda inireklamo sa DMW

Pagbibigay ng ‘expired’ na pagkain sa mga mangingisda inireklamo sa DMW

MANILA, Philippines- Nasa 100 mangingisda ang nagpatulong sa pamahalaan matapos nilang akusahan ang kanilang manning agency ng pang-aabuso.

Nagtungo ang mga mangingisda, nakatakda sanang i-deploy sakay ng vessels sa Indian Ocean, sa opisina ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules ng umaga upang magreklamo.

Sinabi ng DMW na kabilang sa mga reklamo ang hindi pagpapasahod sa mga mangingisda, maling wage payments, poor working conditions, irregular work hours, at umano’y pagpapakain sa kanila ng “expired” na pagkain.

Ginabayan naman ni Atty. Geraldine Mendez, pinuno ng DMW Migrant Workers Protection Bureau (DMW-MWPB), ang mga mangingisda sa pagsusumite ng kanilang salaysay.

“Lawyers and paralegals from the DMW-MWPB were on hand to assist the fishermen,” wika ng DMW.

Gagamitin ang pahayag ng mga mangingisda bilang basehan sa paghahain ng kaso at claims mula sa manning agency. RNT/SA