Home NATIONWIDE CHR naalarma sa pamamahagi ng AFP sa mga estudyante ng ‘red-tagging pamphlets’

CHR naalarma sa pamamahagi ng AFP sa mga estudyante ng ‘red-tagging pamphlets’

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng labis na pag-aalala ang Commission on Human Rights (CHR) sa ulat na namahagi ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “red-tagging pamphlets” sa mga estudyante sa kamakailan lamang na seminar na idinaos sa Taytay Senior High School sa Rizal.

“The pamphlets seemed to point out that the recruiters of the Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) “could be found at protests” and are “teaching people to despise government,” ayon sa CHR.

Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na ang pamamahagi ng pamphlets ay labis na nakababahala dahil maaaring itong mauwi sa “arbitrary labeling.”

“While the CHR is one with the State in preserving and protecting the country’s peace and security through the adoption of policies countering the threats of terrorism and underground armed rebellion, we believe that it is still essential to raise awareness about the potential dangers of arbitrary labeling,” pahayag ng CHR.

“We should also focus on sustainable solutions and measures that address these problems, ensuring that security efforts do not infringe on the rights and freedoms of individuals,” dagdag ng komisyon.

Tinuran ng CHR na ang distribusyon ng pamplets ay nakapagbigay ng maling mensahe ukol sa pagra-rally lalo pa’t ang mga protesta at mapayapang pagtutol ay “fundamental human rights.

Tinukoy ng CHR ang Article III, Section 4 ng 1987 Philippine Constitution, na nagsaad na “no law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.”

“Participating in protest and dissent are forms of public expression used to voice grievances, not to identify themselves as part of an insurgency or communist armed rebellion. Regardless of political orientation and ideology, participating in a protest is an exercise of fundamental human rights, allowing individuals to express their concerns and demand change,” diing-pahayag ng CHR.

Ang Kabataan Party-List ang nag-ulat na ang pamphlet ay ipinamahagi ng mga miyembro ng 80th Infantry Battalion (IB) ng AFP.

Ang pamphlets, tinawag ng partylist bilang “brainwashing pamphlets,” ay naglalaman ng drawings o larawang guhit ng mga estudyante na nakasuot ng pulang shirts kung saan sinisisi ang lahat ng masama sa gobyerno at makikita sa mga rally.

Tinanggap naman ng CHR ang naging tugon sa pamphlet distribution na ginawa ng National Security Council (NSC) na hayagang pinabulaanan ang alegasyon at sinabing ipinababatid lamang sa mga estudyante ang tungkol sa ‘indicators’ na sila ay nire-recruit ng communist rebel group organizers.

Kinikilala din ng komisyon ang kahalagahan na protektahan ang kapakanan at kaligtasan ng mga estudyante.

Gayunman, mahalaga na ang pagsisikap na ito “do not stigmatize legitimate expressions of dissent,” ayon sa CHR.

Dahil dito, hinikayat ng CHR ang lahat ng mga Pilipino, partikular na ang nasa security forces,  na umiwas mula sa pagpapalaganap ng inilalarawan ng CHR na “misconstrued” information na maaaring maging hadlang sa freedom to protest o ikompromiso ang kaligtasan ng mga indibidwal na sinasanay ang kanilang democratikong karapatan.

Sinabi ng CHR na: “The Commission remains committed to its Constitutional mandate to protect the rights of all. We believe that participation in peaceful protests should not be misconstrued as an endorsement of insurgency or joining an underground armed movement. Instead, it is a legitimate and protected means for people to seek redress from the government, integral to maintaining a healthy and responsive democracy,” Kris Jose