Home ENTERTAINMENT Angel, pumayat na raw!

Angel, pumayat na raw!

Manila, Philippines- Sa darating na August ay eksaktong dalawang taon nang walang paramdam sa social media si Angel Locsin.

No wonder, ganoon na lang kung ma-miss siya ng kanyang mga tagahanga.

Pero ang latest, aktibo na raw muli si Mrs. Neil Arce.

Upon checking nga’y verified account ‘yon ni Angel at hindi pinatatakbo ng admin o team nila ni Neil.

Doon nga naibalita ng isang netizen na nag-eenjoy si Angel ng kanyang domesticated life, as well as a quiet one sa piling ng kanyang mister.

Base na rin ang info na ‘yon sa balitang dumalaw sa bahay ng Arce couple ang ABS-CBN executive na si Cory Vidanes.

Hindi nga raw inaasahang makita ni Tita Cory na naghuhugas ng pinggan si Angel.

Not only does Angel find joy in doing the dishes kundi sa iba pa raw household chores.

And take note, balita ring pumayat na ang aktres!

After all, this is what Angel has endeavored to accomplish while staying away from the limelight.

Eh, paano ‘yan kung balitang ang pakay ni Tita Cory sa pagbisita kay Angel ay upang kumbinsihin itong mag-stage ng TV comeback?

Balitang may TV project daw na ipini-pitch ang network boss sa aktres.

‘Yun nga lang daw, it will take Angel’s nod of approval kung interesado siyang sunggaban ito.

Kung hindi man makapag-decide ang aktres, mismong ang mga netizens na are the ones who provide the answer.

Posible raw kasing hindi pa naaabot ni Angel ang kanyang weight goal, which will make her want to stage a return to TV.

Alalahanin nating mas madaling magpataba kesa magpapayat, tama? Ronnie Carrasco III