Home NATIONWIDE Sintomas ng FLiRT variant KP.2 alamin

Sintomas ng FLiRT variant KP.2 alamin

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Health (DOH) na pareho lamang ang sintomas ng KP.2 sa COVID-19 strains tulad ng lagnat, ubo, sipon at fatigue, ng trangkaso at karaniwang sipon.

Ito ayon kay DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, matapos matukoyang tinatawag na “FLiRT” variants sa bansa.

Nitong Martes, kinumpirma ng DOH ang dalawang kaso ng FLiRT variant KP.2 na nakapasok sa bansa base sa sequencing data mula sa Philippine Genome Center.

Gayunman, ipinunto ni Domingo na may mga sample na nakolekta nang mas maaga kaysa noong Mayo na nakabinbin pa rin ang mga resulta ng sequencing.

Ibig sabihin, posibleng mayroon nang KP.2 na kaso sa Pilipinas bago pa man natukoy ang unang dalawang kaso.

Sa kasalukuyan, sinabi ng DOH na ang kumakalat na KP.2 at inuri ng WHO na variant under monitoring ay walang ebidensya na nagpapakitang nagdudulot ito ng severe hanggang critical COVID-19.

Sinabi ng DOH na kailangan pa ng karagdagang pagsusuri upang matukoy ang transmissibility at kapasidad nito na maiwasan ang immune response.

Payo ng DOH ngayong tumataas muli ang kaso ng COVID-19, lalo na sa pagsisimula ng tag-ulan, na magsuot ng tamang facemask kung kinakailangan.

Pinayuhan ang DOH na manatili na lamang sa bahay kung masama ang pakiramdam upang maiwasan ang posibleng transmission.

Para sa nabakunahan ng COVID-19 ilang taon na ang nakalipas, sinabi ni infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na ang mga nakaraang bakuna ay hindi na makakapagbigay ng malaking proteksyon laban sa mas bagong mga strain ng coronavirus, kaya ang lahat ay magiging vulnerable ulit sa nasabing virus.

Sinabi niya na ang mga mahihinang indibidwal na may mababang immune response – lalo na ang mga matatanda at ang immunocompromised – ay may posibilidad na makakuha ng malubhang impeksyon kapag nahawahan sila ng mga variant ng FLiRT.

Habang pinaninindigan na ang immunity mula sa orihinal na COVID-19 primary series at boosters ay talagang humihina sa paglipas ng panahon, binigyang-diin ng DOH na ang immunity na ito ay “hindi ganap na nawala.”

“There may be some degree of residual immunity left which is still better than having not been vaccinated at all. Nevertheless, the DOH is aware that the said immunity will not stay forever,” sabi ni Domingo. Jocelyn Tabangcura-Domenden