MANILA, Philippines – Tatlumput-pitong estudyante mula sa Daniel Maramba National High School sa Santa Barbara, Pangasinan ang dinala sa klinika matapos makaranas ng pagsusuka, pagkahilo, panghihina, at pagdurugo ng ilong — mga sintomas ng heat exhaustion.
Nagulat ang administrasyon ng paaralan sa mataas na temperatura sa hapon, dahil malamig ang umaga.
Nasa mabuting kalagayan na ang mga estudyante. Bilang pag-iingat, nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng modular o blended learning para sa mga klase sa hapon mula pre-school hanggang high school.
Paalala ng mga eksperto, ang heat exhaustion ay maaaring humantong sa heatstroke, isang mas malubhang kondisyon na may sintomas tulad ng 40°C na temperatura, mabilis na paghinga, mabilis na tibok ng puso, pamumula ng balat, pagduduwal, at pagkawala ng malay. Santi Celario