Home NATIONWIDE Flexi working hours sa Muslim court employees ipatutupad ngayong Ramadan

Flexi working hours sa Muslim court employees ipatutupad ngayong Ramadan

MANILA, Philippines – Inaprubahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander G. Gesmundo ang flexible working hours para sa Muslim judges at mga tauhan sa trial courts habang ginugunita ang banal na buwan ng Ramadan.

Sa circular ng Office of the Court Administrator ng Supreme Court, pinapayagan ang mga Muslim judges at mga tauhan na magtrabaho mula 7:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes ng walang noon break.

Sinabi ni Court Administrator Raul B. Villanueva, ipapatupad ito sa buong panahon ng Ramadan.

Ang Holy Month ng Ramadan ay ginugunita ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo. Ito ang panahon ng pag-aayuno, pagdarasal at charity.

Para sa taon na ito, nagsimula ang Ramadan nitong Marso 2.

Magugunita na inanunsyo rin ng Civil Service Commission (CSC) ang bahagyang pagbabago sa official working hours ng mga Muslim government workers.

Ang adjusted work hour schedule ay mula 7:30 ng umaga hanggang 3:30 ng hapon.

Tiniyak ng CSC na ang dalawang oras na difference ay hindi ituturing na under time. Teresa Tavares